139

By

Kagawad patay sa police ops sa Maynila

Isang barangay kagawad na nauna nang naaresto dahil sa iligal na droga noong 2017 ang napatay sa ikinasang police operation sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Sampaloc, nag-ugat ang operasyon sa inilabas na search warrant ni Judge Marivic Balisi-Umali ng Manila Regional Trial Court Branch 20.

Naaktuhan umano ang nasawi na si Juan Ronnie Labongray, barangay kagawad ng Brgy. 561 Sampaloc, Manila, habang nagpa-pot session kasama sina Alfredo Joanino at Jeffrey Gallaron.

Nagawa pang maitakbo sa Ospital ng Sampaloc si Labongray matapos mabaril alas-9:30 ng umaga sa Gerardo Street pero idineklara itong dead on arrival.

Narekober sa suspek ang P1,020,000 na halaga ng shabu; isang kalibre .45 na baril, mga bala at tatlong malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga naman ng P1,360,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?