230

By

Kagawad nirapido ng kabarangay

Patay ang isang barangay kagawad matapos ratratin ng kanyang kabaranggay sa Batangas City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang Batangas City police ang biktima na si Jorge Almarez, residente at kagawad ng Barangay Bolbok.

Ayon sa report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at nakasagutan ng biktima ang suspek na si Gilbert Acuña nang magkita ang dalawa sa Purok 7 sa kanilang barangay alas-7:45 PM.

Sa kainitan ng pagtatalo ng dalaqwa, biglang bumunot ng baril ang suspek at sunod-sunod na ipinutok sa kagawad.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi bago pa man mairating sa to Saint Camillus De Lellis hospital.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nahaharap sa kasong homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?