53

By

Kagawad nanlaban, todas

Patay ang isang barangay kagawad na sinasabing big-time na tulak ng droga matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes ng madaling-araw sa bayan ng Wao, Lanao del Sur.

Kinilala ang nasawing suspek na si Larry Masid, kagawad ng Barangay Muslim Village ng nabatid na bayan.

Base sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, alas-4:30 ng madaling-araw isinagawa ang buy-bust sa harapan ng bahay ng suspek kung saan isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer at kumuha ng shabu sa una.

Subalit nakahalata umano ang suspek na operatiba ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang poseur buyer na suwerteng nakailag sa bala.

Mabilis namang nakaganti ng putok ang mga tauhan ng PDEA na ikinasawi ng suspek.

Ayon kay Juvenal Azurin, hepe ng PDEA-BARMM, matagal na nilang minomonitor ang suspek dahil isa ito sa mga malalaking tulak ng iligal na droga sa bayan.

Nakuha sa suspek ang 15 gramo ng shabu na may halagang P100,000 at iba’t ibang kalibre ng baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?