179
Libel kontra Tulfo, itatapat ng PMA Alumni Association
By

Kadete natagpuang patay sa swimming pool ng PMA

Panibagong kadete ang namatay sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Mario Telan Jr., isang 4th class cadet.

Hinihinalang nalunod si Telan sa campus swimming pool.

Isang oras umanong hinanap ng mga upper-class cadet dakong ala-1:20 ng hapon si Telan kung saan nagtungo sila sa Jurado Hall ng PMA at nakita sa comfort room ng swimming pool ang mga gamit nito.

Natagpuan sa swimming pool si Telan dakong alas-2:44.

Agad siyang itinakbo sa Fort del Pilar Station Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sinuspinde na ang swimming classes habang iniimbestigahan pa ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?