278

Jan 27, 2020 @ 21:32
By

‘Kabobohan ng mga bata’ comment ni Villar binuweltahan ng mga netizen

Trending muli si Senadora Cynthia Villar sa paninisi nito sa Philippine Carabao Center at National Dairy Authority dahil sa mababang IQ ng mga bata.

Ani Villar, dapat pinapainom ng gatas ang mga bata para tumalino at kung wala aniyang available na murang gatas para sa mga bata, paano iinom ang mga ito ng gatas.

“Partly to blame kayo sa kabobohan ng mga bata. Yung result ng international study na second to the last tayo, you are partly to blame kasi ang mga bata pinapainom ng milk para tumalino. Kung walang available na murang gatas para sa mga bata, paano iinom ng gatas ang mga bata?” sermon ni Villar sa Philippine Carabao Center at National Dairy Authority.

Buwelta ng mga netizen sa kanya, paano makakakain ang mga kalabaw at baka na pinanggagalingan ng gatas kung ginagawa nitong subdivisions ang mga agricultural land.

Sabi pa ng ibang netizen, dapat daw ay breastfeeding ang isulong ng senadora.

“How will the carabaos be able to eat if you keep on converting agricultural land into subdivisions? Pro-poor but actually it’s you who gain from the poor. Stop oppressing farmers and your workers,” sabi ni @koithefishy.

“Ooops,don’t blame the dairy industry senator @Cynthia_Villar. Push for exclusive breastfeeding in infancy not cow’s milk, and give better supplementary food and correct eating habits! Don’t convert agricultural lands to subdivisions but more crop production for better food source,” giit ni @pinoykidsdoc.

“As Cynthia Villar talks about the “kabobohan ng mga bata”, i see some points of her but due to her foul mouth and unacceptable points made me think that 2 year old child doesn`t need a cow`s milk, they need to be breastfeed. i think Cynthia is lack of dairy milk,” sabi naman ni @davidtheGGGG.

Sabat ni @jaicabajar, “I feel like Cynthia Villar’s barking at the wrong tree. You want to increase milk consumption among children? Promote breastfeeding and empower mothers.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?