130

By

Kabataan Rep. Elago, pinakamahirap na kongresista

Si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago pa rin ang nananatiling pinakamahirap na miyembro ng Kamara.

Batay sa inilabas na 2018 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Elago, mayroon itong net worth na P85,400.

Siya rin noong 2017 ang may pinakamababang net worth sa P75,800.

Samantala, nananatili pa ring pinakamayamang kongresista si 1PACMAN party-list Rep. Michael Odylon Romero sa net worth na P7.858 bilyon.

Narito ang listahan ng 10 mahihirap na mambabatas sa mababang kapulungan:

1. Kabataan Rep. Sarah Jane Elago (P85,400)

2. Kabayan Rep. Paul Hernandez (P340,000)

3. Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. (P515,658.72)

4. Gabriela Rep. Arlene Brosas (P518,660.00)

5. DIWA Rep. Pepito Pico (P680,000)

6. ACT-Teachers Rep. Francisca Castro (P912,809.05)

7. Anakpawis Rep. Ariel Casilao (P913,350.91)

8. Coop-NATCCO Rep. Sabiniano Canama (P1,515,634)

9. Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate (P1,710,048.25)

10. Gabriela Rep. Emerenciana De Jesus (P1,895,000)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?