36

By

Kabahan na! Cousins balik-porma sa Lakers

Matapos matamo ang Achilles injury noong 2018, hindi pa nakakabalik ang dating lakas ng All-Star center na si DeMarcus Cousins.

Ngunit posibleng magbago ‘yan ngayong season sa kanyang pagpirma sa Los Angeles Lakers.

Saad ni Cousins, 100-percent na siya mula sa kanyang injury at inaasahang lalaruin ang buong 82 games sa susunod na season.

“I’m working my tail off every single day. My quad is 100% healed. I’m building it up every day…I’m getting stronger. Getting in better shape. My plan is to come into camp in tiptop shape. My goal is to play 82 gms this season,” ayon sa sentro.

Noong nakaraang season, nag-average ng 16.3 points si Cousins, may 8.2 rebounds at 1.5 blocks din ngunit 30 laro lang nakasalang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?