45
K Brosas walang oras sa lalake
By

K Brosas walang oras sa lalake

Unti-unti na ngang natutupad ang mga pangarap ni K Brosas sa kanyang personal na buhay.

Ibinahagi ng “It’s Showtime’ Tawag Ng Tanghalan hurado sa Instagram niya ang kasiyahan niya sa inaasahang magandang kaganapan sa kanya at sa anak na si Crystal.

Sa mensahe ipinagmalaki ni K na matatapos na ang ipinapagawa niyang bahay, at pati na rin ang pagtuntong ng anak sa “on the job training” at ang pagtatapos nito sa kolehiyo.

“Dinner date with jonakis @crystalbrosas..bonding chikahan galore…kanina 1st time ko sha pinayagan na umalis mag isa (bibihira sha mag-grab gling school infer)..kc May interview sha SA 2 company SA Makati na nag apply sha mag OJT after graduation..June graduate na sha…Nakakatuwa kc sha naga-asikaso non na di nya sinabi saken..sana matanggap sha..dalaga na talaga anak ko syet..minsan nakakakalimutan ko kc. Pati pagiging super talented nya..anyway, ang daming magagandang ganap half of this year..una yung pagtapos ng BALUR, at ang pag graduate NG anak ko at OJT agad.. At isang pasabog na CONCERT na pangarap ko lang dati (overwhelmed pa din ako kaya sana abangan nyo hehehe). Sensya na, sobra lang akong grateful..at proud SA anak ko at SA pinaghirapan ko na rin…worth it lahat..thank you Lord..kaya naman..labada pa more at lablablab!”

Hindi nabanggit ni K ang tungkol sa lovelife, kaya posibleng wala pa rin itong boyfriend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?