163

By

K Brosas ramdam pa rin si Chokoleit

Isang buwan matapos pumanaw ang komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay, masakit pa rin umano kay K Brosas ang pagyao ng kaibigan.

Sa kanyang Instagram, nag-message si K kay Chokoleit hinggil sa pagka-miss nito sa kanyang namayapang kaibigan.

“We miss u Chokoleit.. it’s been a month.. Sakit pa din.. hoping ako na pwede kitang puntahan anytime para matawa ako NG bongga pag wala akong work. Kaso masakit man tanggapin pero hindi na pala kita mapupuntahan,” saad ni K.

Weird din umano ang pakiramdam ni K dahil feeling niya ay nasa tabi pa niya ang kaibigan.

Nagbiro pa ito na hayaan muna siya ni Chokoleit na mag-emote dahil sobrang miss na nila ang kaibigan pero huwag naman sana siyang multuhin nito.

“Alam ko na ayaw mo ng umiiyak at malungkot.. pero hayaan mo na muna ako, wag mo lang akong multuhin hehe.. sensya na serious lang ako now at nag eemote. Pag gising ok nako. Gudnyt,” sabi pa ni K.

Namatay si Chokoleit noong March 9 sa edad na 48 dahil sa cardiac arrest matapos mag-perform sa out-of-town show sa Abra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?