4,440

By

JV Ejercito lusot sa Magic 12, Bam Aquino laglag sa official, partial tally ng Comelec

Pasok na si reelectionist Senator JV Ejercito sa winner’s circle ng Commission on Elections’ partial and official count sa senatorial race, habang laglag naman sa ika-13 pwesto ang opposition candidate na si Senador Bam Aquino.

Ayon sa official and partial tally ng National Board of Canvassers, umarangkada patungo sa ika-11 pwesto si Ejercito na mayroong 6,079,028 na boto.

Ang pag-angat ni Ejercito ay siyang pagkalaglag ni Aquino sa ika-13 pwesto na may 5,722,776 na boto. Nagawang makalusot ni Aquino sa Magic 12 noong unang canvassing session ng NBOC.

89 sa 167 na certificate of canvass na ang nabibilang ng Comelec nitong Huwebes ng hating gabi.

Samantala sa Comelec Transparency Server’s partial and unofficial count as of 4:26 ng umaga ng Huwebes, parehong hindi pa rin nakakalusot sina Ejercito at Aquino sa Magic 12.

Nasa ika-13 pwesto si Ejercito habang nasa ika-14 naman si Aquino.

3% na lamang ng election returns ang hinihintau na maproseso para sa partial and unofficial tally ng Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?