154
june-mar-3
By

June Mar may hugot sa Magnolia Hotshots

May itinatagong hugot si San Miguel Beer bigman June Mar Fajardo sa makakaharap ng kanyang koponan sa PBA All-Filipino Cup Finals na Magnolia Hotshots.

Inamin ni ‘The Kraken’ na ang dating San Mig Coffee Mixers na ngayo’y Magnolia na, ang unang PBA championship heartbreak niya.

Kuwento ni Fajardo, na rookie pa lang siya noon ng dating Petron Blaze Boosters (San Miguel na ngayon) nang makaharap nila ang San Mig Coffee Mixers sa 2013 PBA Governors’ Cup Finals.

Nilampaso ng Coffee Mixers ang Petron sa pitong laro na siyang sumira sa rookie season ni Fajardo.

Sabi ng 4-time MVP, ito na ang tamang pagkakataon para makabawi siya mula sa mapait na karanasan.

“Di ko talaga makakalimutan ‘yung rookie year ko, ‘yung Magnolia ‘yung first championship heartbreak ko. Pinaiyak talaga nila ako. Ito na siguro ‘yung time na makabawi ako,” aniya sa media briefing nitong Miyerkoles na ginanap sa Quezon City.

Kahit mas lamang sa serye, nangako si Fajardo na ibibigay lahat ng San Miguel para masikwat ang inaasam na ika-apat na All-Filipino crown.

“Bibigay namin ‘yung best namin para makuha ‘yung championship,” dagdag pa niya.

Uumpisahan ang Game 1 ng best-of-seven finals sa pagitan ng Beermen at Hotshots sa Marso 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?