154
june-mar-3
By

June Mar masuwerte sa San Miguel

Malaki ang pasasalamat ni June Mar Fajardo na sa San Miguel Beermen siya napunta.

Ito raw ang dahilan kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makasungkit ng hindi lang isa, kundi apat na Most Valuable Player awards, na maaari pang maging lima.

Hindi lang umano kasi nasusukat sa statistics at individual performances ang pagkuha sa MVP plum kundi sa kabuuang tagumpay ng isang koponan.

“Sobrang suwerte talaga na nasa San Miguel ako kasi malakas ‘yung San Miguel, lagi kami nasa playoffs so malaki ‘yung chance na manalo ako kasi nasa playoffs,” aniya sa PBA Media Day noong Huwebes.

Mula nang ma-draft taong 2012, walong beses nang nakatungtong sa Finals si Fajardo, anim dito ay naiuwi ng SMB ang kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?