196

By

June Mar break muna sa basketball, game sa pamimingwit

Maikukumpara si June Mar Fajardo kay Thanos ng Marvel cinematic universe.

Parehong nang nakumpleto ang nais: Limang Infinity Stone kay Thanos, limang PBA Philippine Cup championship ring para kay “The Kraken”.

At kapwa pagtapos ng kanilang misyon, pinili ng dalawa na mapalapit sa kalikasan. Pagsasaka kay Thanos, at pangingisda naman sa five-time MVP ring si Fajardo.

Sa victory party ng San Miguel sa Robinsons Magnolia nitong Biyernes, hindi nakita ni anino ni June Mar sa venue. Ito’y dahil pala sabik na itong makabalik sa Cebu para magawa na ang matagal na hilig.

“Coach, tapusin na natin para makapamingwit na ako kasama si papa sa Cebu,” sambit ni Fajardo kay San Miguel mentor Leo Austria bago magsimula ang Game 7 kontra Magnolia.

Ngunit kahit ano namang mangyayari, babalik at babalik si Fajardo sa Cebu dahil huling laro na ito. Ngayon nga lang, mababanaag ang saya sa mukha nito na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Kasama ang kanyang ama sa pamimingwit, marami ring pa-‘words of wisdom’ at patawa si Fajardo sa bawat caption.

“Life is like fishing, you are rewarded for your consistency,” ayon kay June Mar.

“Call me Masterbaiter #gonefishing” ayon pa kay “The Kraken”.

View this post on Instagram

Call me Masterbaiter!😂🎣 #gonefishing

A post shared by JMF (@saginghilaw15) on

View this post on Instagram

Which rod you want? #gonefishing

A post shared by JMF (@saginghilaw15) on

View this post on Instagram

Father and son fishing trip!🎣

A post shared by JMF (@saginghilaw15) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?