94

Jul 31, 2019 @ 18:13
By

July inflation inaasahang bababa sa 2.0-2.8%

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babalansehin ng pagbaba ng presyo ng bigas at ng LPG ang pagtaas ng presyo ng ibang mga bilihin.

Kaya tantiya ng BSP, papalo sa 2.0% hanggang 2.8% ang inflation sa buwan ng Hulyo.

Ang inflation ay ang sukat ng bilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin magmula sa bigas, gasolina, pamasahe, kuryente, tubig, gulay at iba pang pagkain, pati na damit, cellphone load at iba pang mga gastusin.

Ayon sa BSP, tumaas man ang presyo ng gasolina at iba pang pagkain, bumaba naman ang presyo ng bigas, LPG at kuryente.

“The BSP Department of Economic Research projects the July 2019 inflation to settle within the 2.0-2.8 percent range,” sabi ng BSP.

“Lower rice and domestic LPG prices along with downward adjustment in electricity rates and the recent peso appreciation are seen to temper inflation pressure during the month,” sabi nito.

Ang pag-arangkada ng presyo ng bigas ang dahilan kaya sumipa ang inflation nung 2018 at lumampas sa target ng pamahalaan.

Nagmahal ang bigas dahil hindi ito agad inangkat sa kabila ng kaalaman na kukulangin ang suplay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?