130

By

July 2 dineklarang holiday sa Pasig City

Idineklara ng Malacañang ang July 2, 2019 bilang special (non-working) day sa Pasig City.

Batay sa Proclamation no.758 na inilabas ng Palasyo at pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, layon nito na bigyang-daan ang mga taga-Pasig City para ipagdiwang ang kanilang ika-446th anniversary.

Sinabi ni Medialdea na marapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Pasig City para maipagdiwang at mabigyan ng panahon ang mahalagang okasyon.

Dahil dito, walang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa Pasig City, pati na ang pasok sa paaralan ng mga estudyante.

Maging ang mga pribadong kompanya ay saklaw ng proklamasyon, at ang papasok sa trabaho ay bibigyan ng karagdagang bayad, batay sa itinakda ng Department of Labor and Employment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?