328

By

Julie Anne San Jose, masarap sabunutan! – Chito Miranda

Isang kahanga-hangang performance na ipinamalas ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa programa ng GMA network na ‘Studio 7’ ang nakakuha ng atensyon ng frontman ng Parokya ni Edgar.

Sa isang Instagram post ni Chito Miranda, makikita ang video ni San Jose habang itinatanghal nito ang hit song ng Parokya ni Edgar na ‘Bagsakan’ kasama ang Kapuso singer-actress na si Gabbi Garcia.

“Tingnan mo ‘tong si Julie Anne San Jose. Una, gumawa ng version ng ‘Your Song’ na sobrang ganda. Sabi ko nalang: ang galing talaga nitong babaeng ‘to,” saad nito sa caption.

“Tapos di pa nakunteto… binanatan nya pa yung stanza ni Gloc sa Bagsakan! Sobrang galing sarap sabunutan,” dagdag ni Miranda.

Nag-iwan din naman ng komento ang singer-actress at sinabi nitong, “Salamat po idol @chitomirandajr simulan na natin HAHAHA,” na sinagot naman ni Miranda ng “@myjaps game!”

Labis na napahanga si Chito Miranda sa skills ni San Jose lalo na sa pagra-rap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?