511

By

Julia laging pa-victim ang peg – mga netizen

Sa bawat isyu na kasangkutan ni Julia Barretto, lagi umano itong nagbibihis-mabait na kinainis ng ilang netizen.

Binanatan si Julia dahil sa naging patutsada nito sa kanyang tita na si Gretchen Barretto, bilang pagtatanggol sa kanyang ina na si Marjorie sa Instagram.

Ani Julia, halos lahat umano ng kanyang kamag-anak ay suportado ang kanyang ina at panig aniya sa kanila ang katotohanan, na tinawanan lang ni Greta.

Sa social media, napansin ng mga netizen na tila nag-iingat lagi si Julia sa kanyang mga statement, lalo’t sa nasabing post ay hindi nito nabanggit ang pangalan ng kanyang tita.

“Julia is always acting nice wid her words everytime she gets involve in controversy,” sey ng Twitter account na Naughtiest Hotties PH.

Lagi na rin daw nagmumukhang biktima si Julia simula pa noong isyu niya sa hiwalayang Gerald at Bea.

“From issue wid Joshua, to Bea, to La Greta and Claudine, Gerald, she ended up telling like she’s the victim, the inaapi, the good one.”

Maraming netizen naman ang nag-agree sa nasabing post at tila nainis din sa gawi ng young actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?