480

By

Julia, ‘di bet ni Kathryn maging leading lady ni Daniel

Naitanong kay Kathryn Bernardo kung sino sa tingin niya ang posibleng maging leading ladies ng boyfie niyang si Daniel Padilla.

Sa July 26 episode ng “Tonight with Boy Abunda”, tinanong si Kathryn kung sinong aktres na pinakita sa screen ang maaaring maging kapareha ni Daniel.

Kabilang sa inalis sa listahan ni Kathryn sina Julia Barretto at Nadine Lustre.

Paliwanag niya, masyado na aniyang bata si Julia para kay Daniel habang si Nadine ay hindi rin pwede, para maiwasan ang girian ng mga fan ng KathNiel at JaDine.

Noon aniya nag-“no” siya kay James Reid para walang gulo ang mga fan.

Maging si Janella Salvador ay masyado rin umanong bata para maging kapareha ni Daniel.

Tingin naman niya babagay kay Daniel sina Kim Chiu, Maymay Entrata, Pia Wurtzbach at Maine Mendoza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?