176

By

Julia Barretto handang magpaka-tomboy kay Liza Soberano

Payag maging tomboy si Julia Barretto kung si Liza Soberano ang kapareha niya.

Ilang fan kasi ang nag-propose sa film outfit na Black Sheep na pwede itong gumawa ng movie kung saan magiging lesbian couple ang dalawang aktres.

“LESBIAN MOVIE FOR @lizasoberano PLEASE HEAR ME OUT @Black_SheepPH @danvillegas @tonetjadaone,” sabi ni @erikabengzon sa Black Sheep filmmakers Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Sinuportahan ito ni @creselsantillan: “Yes pls!!!! @Black_SheepPH and sana si @BarrettoJulia yung leading lady niya. Syempre FRANKIANA na din huhuhu.”

Game namang sumagot si Julia ng: “I’ll dooooo it.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?