66

By

Julia Barretto game makipagkaibigan sa ex

Malalaman mong tunay ka nang nakapag-move on kung kaya mo nang makipagkaibigan sa ex mo, ayon kay aktres Julia Barretto.

Dumalo kasi siya, kasama sina Maris Racal, at Ina Raymundo sa isang interview sa TWBA kagabi, Enero 25, para i-promote ang kanilang bagong pelikulang “Block Z.”

Doon, tinanong sila ni Boy Abunda kung kaya ba nilang makipagkaibigan sa kanilang exes.

Sey ni Julia, kaya niyang maging friends sa kanyang ex, pero hindi naman siya naniniwala na importante ang closure sa isang failed relationship.

“I can, and that’s when you know that you’ve truly moved on,” banggit ni Julia.

“Not having closure is closure already,” kwento niya pa kay Tito Boy.

Agree naman si Maris sa mga sinabi ni Julia dahil siya nga daw ay “all for clousure and forgiveness”.

Si Ina lang ang hindi nag-agree na kailangan pang makipag-keep in touch sa mga past relationships.

“Wala nang point,” sagot ni Ina sa tanong.

Mapapanood ang zombie film “Block Z” sa mga sinehan simula ngayong Enero 29, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?