146

By

Judy Ann, waging best actress sa 41st Cairo International Film Fest

Kinilala ang angking galing sa pag-arte ni Judy Ann Santos sa international film fest.

Tinanghal na best actress si Juday sa 41st Cairo International Film Festival sa pagganap niya sa pelikulang “Mindanao” ni Brillante Mendoza.

Ginampanan ni Juday ang papel ng isang inang Muslim na nag-alaga sa anak niyang may cancer sa Davao habang ang asawa niya (Allen Dizon) ay isang sundalo na nakikipaglaban sa mga rebelde sa Maguindanao.

Sa official Facebook page ng “Mindanao”, nagwagi rin ang pelikula ng Henry Barakat Award para sa best artistic contribution.

Si Juday ang ikalawang Pinay na nanalo ng best actress award sa nabanggit na festival.

Taong 1995 nang parangalan si Nora Aunor para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story”.

Maaaring mapanood ang “Mindanao” sa taong ito na Metro Manila Film Festival sa Dec. 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?