345

By

Judo team kakasuhan ang CebuPac

Nakatakdang makipagpulong anumang oras si Baguio City administrator Bonifacio dela Peña sa atleta at mga coach ng Baguio Judo Team (BJT) para sa plano nilang paghain ng reklamo laban sa Cebu Pacific Airlines (CPA).

Nakatakdang sumakay ng CPA ang 17 miyembro ng BJT noong nakaraang Linggo, Agosto 25 ng bandang alas-6:30 ng umaga, ngunit nagbago ang eroplano ng gate, at kahit na dumating ang BJT sa tamang oras, hindi pa rin sila pinasakay ng CPA.

Ayon kay BJT coach Sharon de Deyra, ang CPA ay literal na nagpalit ng kanilang flight sa last minute.

Bilang resulta, ang BJT ay puwersadong sumakay ng eroplano sa sumunod na araw na mas mahal ang pamasahe.

Sa pamamagitan ng Facebook page ni De Veyra, nag-ambagan ng pera ang mga residente ng Baguio City upang matuloy ang judo team, at inapela nilang ibalik ng CPA ang perang binigay ng BJT.

Giit pa ni Dela Peña, hindi kaaya-aya ang naging aksiyon ng CPA at hindi na sana nangyari ang insidente kung nakipag-ugnayan lamang nang maayos ang CPA sa BJT.

Aniya, kanilang tatalakayin ang iba pang gastos nila sa pag-overnight sa Metro Manila at pagbili ng panibagong plane ticket na mas mahal kaysa orihinal na tiket.

Sa kabila ng trahedyang sinapit ng koponan, nakapag-uwi sila ng 10 gold, limang silver at limang bronze na mga medalya.

Ang BJT ay humakot ng total na 61 golds, 48 silver at 63 bronze at nanatiling overall champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?