520

Feb 14, 2020 @ 13:45
By

Juan Ponce Enrile mas trending kaysa Valentine’s Day

Araw ng mga Puso, ngunit hindi Valentines’ Day ang top trending sa Twitter ngayon dahil sa isang politiko.

Ito ay walang iba kundi ang dating Senador na si Juan Ponce Enrile.

Bandang alas-12 ng tanghali ay trending ang pangalan nito, nasa tuktok na mas mataas pa sa ‘Happy Valentines’ maging sa mga K-Pop star.

Marami tuloy ang napatanong kung bakit pinag-uusapan ang dating legislator na ang iba’y inisip na baka may masamang nangyari dito dahil sa kanyang edad.

Ngunit ito pala’y dahil birthday ng dating politiko, na sakto sa Araw ng mga Puso.

Edad 96 na si Enrile, at sa social media ay bumuhos ang pagbati sa kanya na sinabi pang siya ang depenisyon ng ‘forever’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?