263

By

Juan Miguel Severo sawa na sa mga nagpapalibre

Hindi na kinakaya ni Juan Miguel Severo ang mga nagpapalibre sa kanya sa social media.

Sa kanyang tweet, muling pinatamaan ni Severo ang isang nagpapalibre sa kanya sa paggawa ng tula ukol sa paksang “Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Pilipino”

Sey pa ng kilalang spoken word artist, mahirap at matagal gumawa ng tula.

“Tae nga hinihintay kong dumating bago ko mailabas! Tula pa kaya!?!” aniya pa.

Ito ay kasunod ng patama ni Severo sa isang mall na pagkain lang ang bayad kapalit ng pagpe-perform niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?