39

By

Jowable mapapanood nang libre sa UP

Ipapatikim nang libre ang pelikulang “Jowable” bago ipalabas sa takilya!

Ayon sa Facebook page ng VIVA Films, gaganapin ang special advance screening ng pelikula ni Darryl Yap sa Sabado, Setyembre 21 sa UP Cine Adarna/UP Film Institute sa Diliman, Quezon City.

“First come, first served” ito kaya pumila na bago ang registration nang alas-kuwatro ng hapon.

Itatampok sa pelikula ang tigang na single na si Elsa, na ginanapan ni Kim Molina, at ang kanyang paglalakbay para magkaroon ng dyowa.

Hango ang pelikula sa mga serye ng short video ni Yap sa Facebook page na VinCentiments.

Ipapalabas naman sa mga sinehan ang Jowable simula Setyembre 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?