90

By

Joshua, Julia piniling isalba ang isa’t isa

Kahit alam ng lahat na hiwalay na ang dating couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto ay nagawa pa ring maghatid ng kilig ng mga ito sa kanilang mga fan.

Sa isang interview sa ‘Magandang Buhay’ kung saan ay prinomote nila ang kanilang pelikulang ‘Block Z’, ipinahayag ng mga ito na pipiliin nilang isalba o iligtas ang isa’t isa.

Tinanong ng host ng programa na si Melai Cantiveros ang casts ng pelikula na kung sakaling hinahabol umano sila ng mga zombie ay sino ang unang ililigtas ng mga ito at bakit?

Sagot ni Joshua, si Julia ang una niyang ililigtas. Hindi raw dahil lang sa promo kundi dahil mas kailangan umano ng tulong ng aktres.

Hindi naman dinetalye ng aktor kung anong klaseng tulong ang kailangan ni Julia.

Si Joshua rin ang pinili ni Julia na una niya umanong ililigtas dahil aniya, simula pa lamang ay si Joshua na ang partner niya.

Noong una ay nagbiro pa si Joshua na sinubukan naman umano niyang ‘isave’ na tila ang tinutukoy ay ang dati nilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?