218

By

Joshua at Julia excited na sa ‘Ngayon at Kailanman’

AFTER ng 4 na pelikulang pinagsamahan ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) ngayon lang sila magkakaroon ng teleserye na silang dalawa ang bida.

First movie nila ang “Vince and Kath and James” kasama si Ronnie Alonte. Nag-klik ang tandem nilang dalawa kesa kay Ronnie kaya ini-launch sila sa “Love You To The Stars and Back,” kung saan nag-hit ito sa takilya nanalo pa ng award si Joshua.

Nasundan ang movie ng Joshlia kasama naman sina Sharon Cuneta at Robin Padilla sa “Unexpectedly Yours,” at itong huli “I Love You, Hater” with Kris Aquino naman. Ang lahat ng movie na kanilang ginawa ay nag-hit sa takilya.

This time, teleserye naman ang pagsasamahan ng JoshLia, ang “Ngayon at Kailanman.”

Sa teaser na pinakikita ng Kapamilya network, masasabing matured roles ang ginagampanan ng rumored sweethearts.

Maging ang fans nina Joshua at Julia ay nasasabik ng mapanood ang kanilang idolo sa TV screen. At least daw ay Lunes hanggang Biyernes may JoshLia hindi ‘yung maghihintay sila ng matagal para lang mapanood sa big screen ang dalawa.

Ayon kina JoshLia, sobrang excited sila sa “Ngayon at Kailanman.”

Sabi nga ni Julia, very open na sila sa matured role dahil 21 na raw sila pareho.

Ang “Ngayon at Kailanman” ay malapit ng mapapanood na sa August 20 pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?