246

By

Josh nanlumo dahil kay Ipe – Kris

Sobrang apektado umano ang anak ni Kris Aquino na si Josh matapos mapanood ang video kung saan sinabing naloko umano ni Phillip Salvador ang kanyang ina.

Sa Instagram post ni Lolit Solis, kanyang ikinagulat ang pagkagalit ni Kris sa naging biro ni senatoriable Bong Go na naloko umano ito ni Ipe.

“I feel bad for her kasi ang sense of himor ni Kris ok din, hindi naman iyan madaling mapikon, kaya medyo nabigla ako na nagalit siya sa biro ni Sec. Bong Go,” ayon kay Solis.

Kaya nagpaliwanag ang ‘Queen of All Media’ na nasaktan siya matapos kausapin ni Josh ukol sa napanood na video.

Aniya, naintindihan na umano ng kanyang panganay ang word na nabola na parte ng skit nia Go at Salvador at matapos itong marinig ni Josh ay nagsimula na itong maging malungkot.

“Tinanong ako- mama, bad si dada ipe? Kung nakita mo lang yung lalim ng mata at yung sobrang lungkot ni Kuya,” reply ni Kris.

Sinabi rin nito na hindi na sumama si Josh sa isang socialization group dahil sa nasabing pangyayari.

“All is fair in politics pero sana wag naman ang “special child” – hindi biro ang buhay niya” panapos ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?