35

By

Joseph Yeo petmalu, Mighty lapit sa titulo

Patuloy ang bagsik ng Mighty Sports-Go for Gold sa 41st William Jones Cup matapos tambakan ang Indonesia 94-66 sa Xinzhuang Gym sa New Taipei City nitong Biyernes.

Ikaanim na panalo ito ng Mighty Sports sa gayung dami ring laro para lumapit sa korona, na unang pinagwagian ng Pilipinas taong 2016.

Pagkatapos ng dalawang araw na pahinga ng Mighty Sports mula nang talunin ang South Korea noong Martes, balik trabaho naman ang mga import na sina Renaldo Balkman at Eugene Phelps.

Hindi rin nagpahuli ang Filipino veteran na si Joseph Yeo matapos na magpakawala ng 14 markers at 2 assists.

Sa simula pa lang ay kontrolado na ng Mighty Sports ang Indonesia sa pagtarak ng 15 puntos na kalamangan sa unang hati ng laro, 45-30.

Kailangan na lamang talunin ng Mighty Sports ang Taiwan-A ngayong Sabado para makuha ang titulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?