1,172

By

Jordan Clarkson sumungkit ng Cavs’ franchise record

Sa bagong accomplishment ng Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson, hindi na maikakaila na isa siya sa mga malulupit na sixth man ngayon sa NBA.

Sa kanilang naging laban kontra Los Angeles Clippers, nakamit ng Fil-Am athlete na si Clarkson ang franchise record bilang pinakamaraming puntos ng reserve sa isang season.

Kanyang inungusan si Campy Russell na dati’y may 1,210 points noong 1975-76 season.

Second quarter ng laro ito nasungkit ni Clarkson sa bisa ng high looper na pinalakpakan ng madla. Tumapos ang 26-anyos ng 20 points, limang rebounds at dalawang assists sa nasabing laban kung saan kinapos ang Cavs, 108-110.

Bukod pa sa nasabing record, itinarak din ni Clarkson ang kanyang ika-1000 na assists sa nasabing laro.

Nag-aaverage ang Cavaliers sixth man ng 16.9 points, 3.4 rebounds at 2.4 assists kada laro ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?