13

Joohoney ng MONSTA X pahinga muna

Break muna sa pagtatanghal si Lee Jooheon o Joohoney ng K-pop boy group MONSTA X dahil sa kanyang kalusugan.

“Joohoney recently showed symptoms of anxiety and recently received in-depth examinations and treatment at multiple professional medical institutions for an accurate diagnosis. The results of the examination showed that due to anxiety symptoms, sufficient rest and stability are essential for him to make a full recovery,” ayon sa handler ng grupo na Starship Entertainment sa isang pahayag ngayong Linggo, Enero 12.

“We have had a thorough discussion with Joohoney and the MONSTA X members and have decided to focus on the restoration of Joohoney’s health through continuous treatment and stability,” wika pa nito.

Humingi ng tawad at pag-intindi ang label sa mga fan ni Jooheon.

Sinabi rin nilang depende pa sa progress ng kanyang kalagayan kung kailan muling magtatanghal ang South Korean rapper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?