37

By

Jones tanggal dapat sa Game 3

Matapos i-review ng liga ang panghe-headbutt ni TNT import Terrence Jones kay SMB guard Chris Ross, itinaas ang tawag mula flagrant foul penalty 1 sa penalty 2.

Ibig sabihin ay dapat napatalsik sa laro si Jones sa halip na tatlong minuto lang na pahinga dahil sa headbutt na nangyari first quarter pa lamang ng Game 3 nitong Biyernes.

Dahil sa review, multa ng P20,000 si Jones, na tumapos ng may 37 points, 18 rebounds at siyam na assists sa 115-105 win ng TNT.

Ang naging resulta ng review ng PBA technical committee ay kalinya ng tingin ni Ross na dapat ay mas mataas sa F1 ang parusa kay Jones.

“A headbutt is a headbutt, that’s above the head and that was on purpose,” ayon kay Ross.

“And he only got an F1 for that? I think he probably should have been ejected.”

Sa kabilang dako, bayad naman ng P5,000 si Christian Standhardinger dahil sa pagsiko nito kay Jones na tinawagan ng flagrant foul penalty 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?