122

By

Jones pasalamat sa San Miguel, TNT

Pinasalamatan ni 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 Best Import Terrence Jones ng TNT ‘di lang ang KaTropa teammates kundi maging ang mga nakabaganggang team, lalo sa Finals, ang San Miguel Beer.

Kinapos nitong Biyernes ang MVP franchise sa Beermen sa anim na laro para sumala sa kampeonato ng midseason conference.

“To the opposing team players – thank you for testing me mentally and physically. (Physical as hell cough*) It all made me better, stronger and more prepared for adversity I could face in the future,” post ni Jones sa kanyang @terrencejones1 Instagram account nitong Lunes, Agosto 19.

Ginawa niya ang pahayag kahit tinawag siya ni Beerman Chris Ross na ‘mentally a baby’ at tumanggap sa teammate nitong si Arwind Santos ng ‘monkey gesture’ sa kasagsagan ng best-of-seven series.

Pero hinirit ng bumalik na sa Estados Unidos na si Jones, magagamit niya sa hinaharap ang naranasan sa dalawang player at masaya sa kabuuan ang naranasan habang narito sa bansa kasama ang asawang Pinay at anak.

“I loved being in the Philippines! I loved the people and y’all as a country! I will be back!! THANK YOU!” wakas ni Jones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?