204

By

Jomari magiging tatay na ulit!

Sa ikatlong pagkakataon ay nakatakdang maging daddy si actor Jomari Yllana.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram account kalakip ang sonogram ng kanyang unborn baby boy, na papangalanan umanong Robert Francis Reyes Yllana.

“Robert Francis Reyes Yllana will be the name you will carry, you will be named after the most wonderful person I ever met in this earth,” saad ni Jomari.

Si baby Robert ay ikalawang anak nila ng non-showbiz girlfriend na si Joy Reyes matapos isilang ang kanilang panganay na si Christiano Ayrton noong July 2018.

Unang nagka-anak si Jomari sa dating misis na si Aiko Melendez, ang 20-anyos na si Andre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?