173

By

Joma Sison, walang kuwenta – Malacañang

Tinawag ng Malacañang na “nonsense” o walang kuwenta si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Ito ay matapos manawagan ni Sison na isalin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kapangyarihan kay Vice President Leni Robredo bago ito mamatay o masobrahan sa paggamit ng fentanyl, isang uri ng pain medication.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na papatulan ng Malacañang si Sison dahil paulit-ulit lang naman ito sa kanyang mga sinasabi at parang sirang-plaka.

“He’s always talking nonsense. We will not respond. ‘Yaan mo na, paulit-ulit lang naman siya eh,” ani Panelo.

Nagsimula ang palitan ng maaanghang na salita nina Sison at Pangulong Duterte matapos tuluyang kanselahin ang peace talks sa kilusang komunista.

Nagbigay na rin ang Presidente sa militar ng all-out war laban sa New People’s Army dahil sa kawalan ng sinseridad ng mga ito na makipagkasundo sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?