1,616

By

Joma Sison: Duterte mag-resign na bago pa mamatay

Para hindi na lumala pa ang kalusugan at paggamit ng nakakaadik na Fentanyl, dapat sumurender na si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bise Presidente Leni Robredo.

Ito ang payo ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison nitong Lunes matapos ianunsiyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magkakaroon ng 3-day leave ang Pangulo ayon na rin sa payo ng mga doktor.

“The illnesses and the use of Fentanyl, which Duterte himself has publicly admitted and which circumstances have also exposed more amply, have taken a toll on him physically and mentally. He has frequently taken long rests and the small amount of work that he has done is lucrative to himself and his criminal accomplices but is greatly detrimental to the people,” komento ni Sison sa Facebook, Nobyembre 11, 2019.

“It is better for him to resign and yield his office to his vice president before he dies or continues to languish in bed with his euphoric Fentanyl,” dagdag niya pa.

Agad ding binawi ni Panelo ang anunsiyo kagabi, at sinabing magtatrabaho na lang si Duterte sa kanyang tahanan sa Davao City dahil marami pa itong mga dokumentong dapat basahin at pirmahan.

Una nang inamin ng 74-anyos na Pangulo na gumagamit ito ng fentanyl upang kayanin ang sakit mula sa kanyang spinal injury.

Pinaniniwalaang mas malakas nang hanggang 100 beses ang fentanyl kaysa morphine. Nagdulot na ito ng ilang libong pagkamatay sa Amerika.

Inamin din ni Duterte na mayroon siyang myasthenia gravis, isang autoimmune disease, at na-diagnose siya ng Barrett’s esophagus na pinaninipis ang lining ng esophagus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?