82

By

Jollibee, Chow King, 3 pa, dawit sa polusyon sa Manila Bay

Nakatakdang magpalabas ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng panibagong kautusan na nag-uutos ng pagpapatigil sa operasyon ng ilang mga establisimiyento na nagtatapon umano ng maruming tubig sa Manila Bay.

Sa dalawang pahinang liham na pirmado ni LLDA General Manager Jaime Medina, kasama sa nakaambang isyuhan ng cease and desist order ang Max’s Restaurant-United Nations Orosa Branch sa Maynila; HengFeng Kitchenette sa Pasay City; Jollibee Foods Corporation sa Macapagal Biopolis Branch sa Pasay City; Lamer Catering at Nihon Bashitei Japanese Food sa Malate, Maynila.

“Based on the saturation and inspection activities in the Manila Bay area, as well as the results of laboratory analysis of the wastewater samples taken, the establishments were found not be conforming with the effluent standards for Class SB waters,” ang nakasaad sa liham.

Samantala, tatlong establisimyento ang nakatakdang isyuhan ng ex parte order.

Labingdalawang establisimyento naman ang iisyuhan ng “notice of violation” dahil sa kaso ng water pollution.

Ang pagpapatupad umano sa kautusan ay gagawin sa oras na maaprubahan ang mga kinakailangang legal order.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?