104

By

‘John Wick’ nagbabalik

Inilabas na ng Lionsgate ang unang trailer ng “John Wick 3: Parabellum”.

Tulad ng naunang dalawang pelikula, puno ng aksiyon ang chapter 3 nito.

Sa trailer makikita na may patong nang $14 million sa ulo ng super-assassin na si Wick matapos siyang ideklarang excommunicado.

Makikita rin sa chapter 3 si “Catwoman” Halle Berry.

Umikot ang istorya ng “John Wick” sa paghihiganti ng karakter ni Keanu Reeves sa mga pumatay sa aso niya.

Nakatakdang ipalabas ang “John Wick 3: Parabellum” sa May 17, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?