257

By

John Lloyd sinalubong ng halik, yakap ang 90-anyos na fan

Nagpakita na sa publiko si John Lloyd Cruz matapos dumalo sa 90th birthday celebration ng matagal na niyang fan na si lola Vicenta Araneta.

Sa ibinahaging videos ng apo ni lola Vicenta na si Zeus Alemania, makikita na niyakap at hinalikan ni Lloydie si lola Vicenta at tinabihan ito sa upuan.

Tuwang-tuwa naman at kinilig ang birthday celebrant nang makita ang matagal nang hinahangaang aktor.

“Last night, we celebrated the 90th birthday of our beloved grandmother Lola Vicenta Araneta. It was very special for all of us because we were complete as a family. But what made it more special was the fact that she was greeted in person with no less than her all time favorite John Lloyd Cruz. Nothing compares to the happiness we saw on her face, she was so kilig!,” saad ni Alemania sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?