243

Apr 27, 2020 @ 23:03
By

John Lloyd nagdrama kay Bea: Andoon ka nung wala akong matakbuhan

May spark pa rin sa mga fan sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Trending ngayong April 27 sa Twitterverse ang pag-uusap ng magka-loveteam sa Instagram Live.

Hinarana pa ni Lloydie si Bea at nagpasalamat sa pagiging supportive ng aktres sa kanya.

“Andoon ka nang wala akong matakbuhan. Andoon ka nung kailangan ko ng kaibigan. Andoon ka nung kailangan ko ng kausap. Kapag binabalikan ko ang lahat ng ‘yan minsan hindi ko na alam kung ano pa tayo. Kung sino tayo pero okay lang kasi ang mahalaga ‘yung nandoon ka, ‘yun lang sapat na ‘yon,” emote ni John Lloyd sa aktres.

May hirit naman si Bea kay John Lloyd na “na-miss kita”.

Kaya naman kilig much ang mga netizen sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?