541

By

John Lloyd miss na ni Baron, inimbita sa kasal

Kahit matagal nang hindi nagkasama, matibay pa rin ang pagkakaibigan nina Baron Geisler at John Lloyd Cruz.

Sa isang panayam kay Baron, sinabi nito na kanyang iimbitahan si Lloydie sa kanyang nalalapit na kasal.

“Of course, hopefully, ma-contact ko si Lloydie. Nami-miss na kita Lloydie man, I miss you, man. I hope to work with you soon,” pakli ni Baron.

Hinikayat din ni Baron na sana’y bumalik na sa pag-arte ang magaling na aktor, na nag-hiatus matapos makipagrelasyon kay Ellen Adarna.

“Balik ka na. Kailangan ka ng industriya, pare,” giit ni Baron.

Aniya pa, may niluluto umanong ‘Tabing Ilog” reunion project kung saan isa si John Lloyd sa lead cast.

“Si Direk Malu [Sevilla] nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na ‘Tabing Ilog’ reunion na malalaki na kami,” saad ng aktor.

Kung matutuloy man, isa lang ang tanging kondisyon ni Baron bago ito gawin: “Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?