457
abante-tnt-vismin-inah-jhake
Aug 9, 2018 @ 12:05
By

John kay Jake: ‘Wag mong sasaktan si Inah

Kahit matagal nang hiwalay si John Estrada sa dating misis na si Janice de Belen at may bago nang pamilya, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kanyang mga anak sa aktres.

Kaya nga nang mabalitaan ng aktor na boyfriend na ng anak na si Inah de Belen ang young actor na si Jake Vargas, agad nagpahayag ng saloobin niya si John.

Tsika ni John, wala aniya siyang tutol sa relasyon ng dalagang anak kay Jake lalo na’t nasa edad na rin naman ito.

Pero hindi umano mawawala sa amang gaya niya na mag-alala sa kapakanan ng kanyang anak partikular na sa damdamin nito.

Kaya nga nagpaabot ng mensahe si John para kay Jake na mahalin daw at alagaan nang todo si Inah. Higit sa lahat, ‘wag daw itong sasaktan ng batang aktor.

Naunawaan naman ito ni Jake kaya tiniyak niya sa ama ng gf na si Inah na ‘wag mabahala at lahat daw ng bilin nito ay susundin niya.

Kasalukuyang napapanood si John bilang kontrabida sa fantaseryeng Victor Magtanggol sa GMA 7 na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?