350

Jul 21, 2018 @ 10:00
By

John Estrada, gaganap na main villain sa primetime show ni Alden Richards

Marami na ang nag-aabang sa pagsisimula ng primetime series ni Alden Richards na “Victor Magtanggol” na mapapanood simula July 30 sa GMA Telebabad.

Isang ordinaryong taong napagkalooban ng ekstraordinaryong misyon si Victor (Magtanggol) na gagampanan ng Pambansang Bae.

Makakasama sa bagong telefantasya ng Kapuso ang mga karakter na base sa Norse gods and goddess.

At ipinakilala na nga ang mga magiging kalaban ni Alden bilang Victor Magtanggol sa serye.

Gaganap na main villain bilang Loki ang bagong Kapuso na si John Estrada.

“Siya ‘yung diyos ng manlilinlang. Deception ‘di ba? Doon magaling si Loki,” kuwento ng aktor tungkol sa gagampanan niyang karakter sa magsisimulang serye.

Kontrabida rin ang papel ni Pancho Magno bilang Modi, ang Norse God of Battle na anak ni Thor. Babalik din siya sa kasalukuyang panahon dahil nais niyang makuha mula kay Victor ang war hammer o Mjolnir ng kanyang ama mula kay Victor.

“Parang naiinggit ako. Bakit siya napunta sa isang mortal?” lahad ng mister ni Max Collins sa motivation ng kanyang karakter.

Ang iba pang bumubuo ng cast ay sina Connie Reyes, Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Kristoffer Martin, Freddie Webb, Maritoni Fernandez, Lucho Ayala, Kevin Santos, Benjie Paras, Michelle Dee, Christian Bautista, Sheena Halili, Yuan Francisco, Reese Tuazon at Eric Quizon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?