44

By

John Arcilla nanawagan: Mga aso sa Taal tulungan

Nananawagan ang beteran na aktor na si John Arcilla para maghanap ng mga boluntaryo para tulungan ang 400 aso na pagala-gala matapos ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12.

Sinabi niya kahapon, Enero 27, sa kanyang Instagram na kailangan nila ng mga tao para maglinis sa shelter at paliguan ang mga aso.

View this post on Instagram

We are in need of Volunteers to Clean the area and give bath to more than 400 dogs rescued in Batangas area-A resident provided her personal farm just to accommodate bulk of dogs continously coming but they’re in need of volunteers to maintain this sudden arrivals of dogs from different towns in Batangas. Most of the owners are probably unaware that their dog is in the shelter but mostly, there are no signs that they are still interested to claim their fur babies. Some are getting sick and unattended. They are in need of cages. We need to classify them according to gender, health condition, age and behavior, they have too limited staff since it is just a volunteered shelter. The shelter’s location is at Brgy TUMALIM, sitio sibukawan, NASUGBU, Batangas. Message our Capable Foundation on our FB page or message us on this IG messenger for assistance.

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla) on

Isang personal na farm ng isang concerned na residente sa Batangas ayon sa aktor ng “Heneral Luna” ang temporary shelter na matatagpuan sa Brgy. Tumalim, Sitio Sibukawan, Nasugbu, Batangas.

Dagdag pa ni Arcilla na maaaring hindi alam ng mga orihinal na may-ari ng mga aso na andun ang kanilang alaga, kaya wala pa ring nag-aangkin sa mga ito.

Binahagi niya sa kanyang post ang mga larawan ng mga aso sa shelter at mga volunteer na makikitang ginagampanan ang mga aso.

Kuwento niya, padami nang padami ang mga aso kaya nangangailangan sila ng mas maraming volunteers.

“Some are getting sick and unattended. They are in need of cages,” paliwanag ni Arcilla. “We need to classify them according to gender, health condition, age and behavior, they have too limited [staff] since it is just a volunteered shelter.”

Para sa mga interesadong tumulong, sinabi niyang kontakin lang siya sa kanyang Instagram o kaya sa Facebook page ng Capable Foundation na siya rin ang founder.

Bumaba na sa Alert Level 3 ang lagay ng Bulkang Taal ayon sa Phivolcs, ngunit maaari pa rin itong pumutok ulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?