77

Jun 30, 2018 @ 18:33
By

John, Ai-Ai ‘labs’ pa rin ang isa’t isa

Magpatalo kaya si John Estrada kay Ai-Ai delas Alas? Madalas magkasama sina Ai-Ai at John nu’ng nasa ABS-CBN pa ang Comedy Queen, at hindi nga ba, na-link pa sila?

At ngayon nga, pareho na silang nasa GMA 7, at sa kauna-unahang pagkakataon, magpapatalbugan sila ng husay sa pagli-lip sync sa Lip Sync Battle Philippines sa July 1.

Inaasahan nga na ang tapatan na ito nina Ai-Ai at John ang magiging most epic, unexpected, at funniest battles.

Hanggang ngayon ay ‘labs’ pa rin ang tawagan nina John at Ai-Ai, ha! Kaya maaasahan talaga ang spontaneous and no-holds-barred banter sa kanilang dalawa.

Ito nga ang unang pagkakataon na sasabak si John sa isang musical performance bilang Kapuso, at sabi nga niya, matagal na panahon na rin siyang hindi kumanta, sumayaw sa harap ng maraming tao. Pero hindi raw siya patatalo kay Ai-Ai at ipinangako niya na masosorpresa ang lahat sa gagawin niya.

Sino ang makakakuha ng LSB championship belt in this ultimate pasabog showdown? (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?