802
Joey, Oyo, Danica proud sa pagkapanalo ni Vico Sotto
By

Joey, Oyo, Danica proud sa pagkapanalo ni Vico Sotto

Binati ni Joey de Leon at mga kapatid na sina Oyo Boy at Danica Sotto ang landslide victory ni Vico Sotto sa Pasig mayoralty race.

Hindi man makapaniwala, sobrang saya ang naramdaman ni Joey para sa anak ng kumpare at kumare niyang sina Vic Sotto at Connie Reyes.

“I WOKE UP… AND LIKED THIS! Totoo na ba? Yesss! Congrats VICO! Proud of you! So happy for Mareng Coney! Pareng Vic you’re the MAN!” sabi ni Joey sa Instagram post.


Samantala, ang kapatid naman ni Vico sa ama na sina Oyo at Danica ay bumati rin sa kaniya through social media.

“#Halalan2019 #PasigCity — congratulations @vicosotto! God is good!” sabi ni Oyo.

“Congratulations mayor Vico!!!!” saad naman ni Danica sa Instagram Story.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?