245
Joey de Leon nagpasalamat sa ‘wombdominium’ ng namayapang ina
By

Joey de Leon nagpasalamat sa ‘wombdominium’ ng namayapang ina

Inalala ni “Eat Bulaga” host Joey de Leon ang namayapa niyang mama sa pamamagitan ng pag-post ng lumang larawan nilang dalawa.

Pumanaw ang ina ng Henyo Master na si Emma Manahan Ramos noong Linggo, February 10.

Kinumpirma ito ni Joey sa kanyang Instagram post noong Lunes.

“Wala nang maka-quorum sa mahjongg ang ermats ko kaya nag-last jai-alai na kagabi! Love you Ma! Together again sila ni Papa Pepe! Play este, PRAY for us!” sabi ni Joey sa caption.

Sa latest post ni Joey makikita ang lumang larawan kung saan karga siya ng kanyang ina.

“Thank you Mama for my first home…your WOMBDOMINIUM! I LOVE YOU!” saad ni Joey.

“SELFIA (Selfie na Sepia)! Wala pang Instagram at Twitter nung kinunan ang larawang ito ngunit meron na agad akong INSTANT GUARDIAN at TEACHER sa Mama ko, Emma Ramos de Leon! Thank you again ‘Ma! I LOVE YOU!” dagdag pa ni Joey sa isa pang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?