336

Dec 18, 2019 @ 19:17
By

Joem Bascon 1st time magpapasko kasama ang pamilya

Excited si aktor Joem Bascon na gugulin ang oras sa sarili at sa pamilya ngayong holiday season, matapos kumpirmahing hiwalay na sila ng vlogger at walong-taong girlfriend na si Crisha Uy.

“Mag-iiba ‘yung setup with this year, so tingnan natin. Excited din ako, kasi new experience for me to be spending my holidays with my family, and they’re very excited [too],” sabi ni Joem sa media nitong Martes, Disyembre 17.

Inamin ni Joem na “hanggang doon na lang” ang kaya niya sa kanilang relasyon, dahil sabi niya, “kapag pinilit pa, on my side siguro mas magiging magulo.”

Masaya na rin naman si Joem gayong namamayagpag pa rin ang kanyang career, with his Metro Manila Film Festival film entry “Write About Love” kasama si Yeng Constantino.

“I’m just happy na, syempre, even with my personal life, kung anuman ‘yung nangyayari sa personal kong buhay, nagkaroon ako ng ganitong blessing. ‘Di ba, hindi mo naman pupwede talaga mahingi lahat?” sey ng aktor.

“What so special about it sa lahat kasi nang ginawa ko, this is my first time doing a love story na may partner ako. First time doing a love story with Yeng. First time na parang one of the main leads kasi ‘di ba lagi akong napa-part ng support. I’m happy to be part of a big ensemble, tapos pasok pa sa MMFF,” sabi pa niya.

Mapanonood ang “Write About Love” sa mga sinehan ngayong Pasko, Disyembre 25, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?