480
Joel Embiid inalaska ang Warriors
By

Joel Embiid inalaska ang Warriors

Ang 3-1 joke ay nasa kasaysayan na talaga ng NBA. Matapos nga manalo sa Nets at makuha ang 3-1 lead, inasar ni Joel Embiid ang Golden State Warriors sa kanilang post-game interview.

Lalong naging maingay ang pang-aasar matapos talunin ng Clippers ang Warriors noong Game 2 na hinabol ang 31-point lead, at ginamit sa pang-aasar tungkol sa 3-1 lead nila noong 2016 Finals.

Kahit na Warriors ang paboritong manalo ngayong season para sa kanilang ikatlong sunod na kampeonato, hindi pinalampas ni Embiid ang pagkakataon na asarin ang Warriors.

Nang tanungin kung gaano kaimportante ang kanilang panalo sa Game 4, dito na binanatan ni Embiid ang Warriors.

“We don’t want to be in the situation like the Warriors two years ago,” natatawang sagot ni Embiid.

Hawak ng Warriors ang 3-1 lead sa serye, tinalo pa rin sila ng Cleveland Cavaliers tatlong taon nakakalipas noong 2016 Finals na unang beses pa lang nangyayari sa buong kasaysayan ng NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?