46

Mar 20, 2020 @ 12:00
By

Jo Koy tinira ang mga Pinoy mom

Relate na relate ang mga netizen sa bagong pakulo ni Filipino-American comedian Jo Koy.

Binalik kasi nito ang kanyang “Tagalog Thursdays,” at sa kanyang episode nitong Marso 20, tinuro niya ang termino na “OA,” na nangangahulugang over acting at madalas aniyang ginagamit ng mga Pilipinang nanay.

Ilan sa mga halimbawa niya ang “Why didn’t you go to work today? You’re not even sick. Ang OA!,” at “Why are you crying? You don’t even know what you’re crying about. Ang OA talaga!”

Komento ng mga netizen, masyadong totoo ang mga halimbawa ni Jo Koy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,